Skip to content
This repository has been archived by the owner on Aug 2, 2021. It is now read-only.

Latest commit

 

History

History
26 lines (17 loc) · 1.84 KB

README_TL.md

File metadata and controls

26 lines (17 loc) · 1.84 KB

Bawiin ang iyong pirma mula sa liham na nanghihikayat sa FSF na tanggalin si Richard Stallman mula sa liderato

May mga taong gustong tanggalin ang kanilang pirma mula sa liham laban kay Stallman at ang FSF, pero hindi pinapayagan ng mga taong nagpapatakbo nito. Kung gusto mong tanggalin ang iyong pirma mula roon pero hindi magawa ito, puwede mong ipahayag ang iyong intensyong gawin ito rito.

Para pumirma, i-click ito at ipangalan ang file na <username>.yaml (palitan ang <username> sa iyong pangalan) na may kasamang nilalaman:

name: <pangalan mo rito (opsyonal na organisasyon o kumpanya)>

Tapos i-click ang "Propose new file" at sundin ang kailangang gawin para gumawa ng merge request.

Puwede rin i-fork at clone ang repo. Gumawa ng file na _data/signed/<username>.yaml nang manu-mano, tapos i-commit at mag-submit ng PR.

Kung ayaw mong gumamit ng Github, puntahan ito: https://codeberg.org/rms-support-letter/not-rms-support-letter/issues/1, o magpadala ng e-liham sa rms-support-letter@protonmail.com

Pakitandaan na kailangan mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan lampas sa makatwirang pagdududa para ipatanggal ang iyong pirma. Kung maaari, gamitin mo ang parehong account na ginamit mo para sa paggawa ng orihinal na pirma. Kung hindi puwede, gamitin mong ang parehong e-liham. Bukas kami sa anumang pamamaraan ng pagpapatunay tulad ng mga nakapirmang tapal, naka-oras na litrato, at iba pa.

Ugnayan

Kung isa kang miyembro o kumakatawan ng isang pahayagan, o isang youtuber, puwede kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng e-liham:

Lisensiya

Ang kodigo sa imbakan na ito ay nakalisensya lamang sa GPL-3.0.